^

Bansa

Dagdag-kontribusyon sa PhilHealth simula na sa Hunyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan na sa Hunyo ng Philippine Health ­Insurance Corp. (PhilHealth) ang pangongolekta ng mas malaking premium payment mula sa mga ­miyembro nito.

Mula 3 porsiyento, magiging 4 porsiyento na ang premium, katumbas ng P50 pataas na dagdag-singil sa mga contributor.

Nakasaad kasi sa Universal Health Care Law na 0.5 porsiyento ang dapat itaas sa PhilHealth premium kada taon.

Base sa batas, 4 porsiyento na ang dapat kolektahin ng PhilHealth para maabot ang target na 5 porsiyento pagdating ng 2024.

Hindi itinaas ang premium noong 2021 para maibsan ang bayarin ng mga Pilipino dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, kailangan nang ipatupad ang dagdag-singil para pondohan ang mga nakapilang benefit plan ng medical insurer.

Para sa mga kumikita nang mababa sa P10,000 kada buwan, magiging P400 na ang kanilang PhilHealth premium.

Mula sa kasalukuyang P300 contribution rate, P100 ang dagdag, na paghahatian ng employer at ng miyembro.

Sa mga may buwanang sahod na P10,000 hanggang P79,999, maglalaro sa P400-P3,200 ang monthly premium. Nasa P3,200 ang magiging kontribusyon ng mga sumasahod ng P80,000 pataas.

Epektibo ang dagdag-kontribusyon para sa buong taon ng 2022.

Kaya ang mga direct contributor na nakapagbayad na mula Enero ng 3 porsiyento ay kailangan pa ring hulugan ang 1 porsiyentong umento.

Walang umano itong interes at maaaring hulugan hanggang Disyembre.

Pag-uusapan pa umano ng PhilHealth ang premium hike sa mga indirect contributor tulad ng indigents, senior citizens, at persons with disability na sinasagot ng national government.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with