^

Bansa

Pinas may mga kaso na ng ‘long COVID-19’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pinas may mga kaso na ng âlong COVID-19â
People queue before casting their votes during the presidential election at a polling station in Manila on May 9, 2022.
AFP / Chaideer Mahyuddin

MANILA, Philippines — May natutukoy na sa bansa ng mga kaso ng “Long COVID,” o mga taong nakakaranas ng medium to long-term effects ng COVID-19 pagkatapos gumaling.

“Nag-uumpisa nang i-identify ‘yan dahil na-identify ito sa ibang bansa, ng WHO (World Health Organization), ng United Kingdom, ng US. Nag-uumpisa nang makakita ang ating mga doktor sa ospital ng mga cases niyan,” ani National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa.

Ayon sa WHO, l0-20 porsiyento ng mga tao ang nakakaranas ng iba’t ibang epekto pagkatapos guma­ling mula sa COVID-19.

Ang mga taong may long COVID ay nakaka­ramdam ng pagkapagod o fatigue, breathlessness o hirap sa paghinga at cognitive dysfunction (confusion, forgetfulness, or a lack of mental focus and clarity), dagdag pa ng WHO.

Ang ilan ay nakakaranas din ng mga psychological effect dahil sa post COVID-19 condition habang nagkakaroon din ng pamamaga ng puso at utak o brain fog.

“Binabantayan natin at ire-record, irerehistro, bibilangin at pag-aaralan natin para matukoy natin ang sitwasyon ng matagal na COVID sa Pilipinas,” aniya pa.

COVID-19

WHO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with