^

Bansa

Sara kay BBM: Hindi na mapipigilan ang panalo mo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na mapipigilan ang panalo mo!

Ito ang mariing sinabi ni Lakas-CMD vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte sa kaniyang ka-tandem na si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa grand rally ng UniTeam sa Batangas nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Sara, ngayon pa lang ay nararamdaman niyang anim na taon na uupo sa Palasyo ng Malacañang si BBM dahil sa nag-uumapaw na suporta ng kanilang libu-libong supporters.

Kasabay nito, sinabi ni Sara na nagtitiwala rin siya sa mga Batangueño na mananalo rin siya sa eleksiyon sa lalawigan.

“At kapag sinabi ng Batangas na panalo ka na, hahawakan ko ‘yan at sure na ako na panalo ako,” ayon kay Duterte sa nasabing rally na dinaluhan ng libu-libong katao na inorganisa ng mga lokal na opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Batangas Gov. Hermilando “Dodo” Mandanas.

Ayon pa sa presidential daughter, naiiyak siya sa patuloy na mainit na suporta ng mga tao sa kanilang kandidatura ni BBM.

Samantala nangako naman si Marcos na kapag nagwagi sa halalan ay pababain niya ang presyo ng kuryente upang makalikha pa ng mas maraming trabaho. Kumbinsido si Marcos na ang pinakamabilis na progreso at pag-unlad ay matitiyak kung mababa ang power rates.

Ayon kay Marcos, kailangan ding buhayin ang industriya ng turismo matapos itong padapain ng COVID pandemic.

BBM

SARA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with