^

Bansa

Bagong COVID-19 cases bumagsak sa 1,427, pinakakaonti sa 54 araw

Philstar.com
Bagong COVID-19 cases bumagsak sa 1,427, pinakakaonti sa 54 araw
Supporters of Ferdinand Marcos Jr. cheer at a campaign event at the Amoranto Sports Complex in Quezon City on Monday, Feb. 14, 2022.
The STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Lalo pang bumagsak ang bilang ng bagong nahahawaan ng nakamamatay na COVID-19 sa Pilipinas sa 1,427, ayon sa sariwang datos na inilabas ng Department of Health (DOH), Lunes.

Huling mas mababa riyan ang new COVID-19 sa Pilipinas noong ika-29 ng Disyembre, 2021, kung kailan sumadsad sa 889 ang bagong hawa.

  • total cases (3,653,526)
  • bagong kaso (1,427)
  • total deaths (55,763)
  • kamamatay lang (79)
  • aktibong kaso (58,657)

Kapansin-pansin ang lalong pagliit ng mga bagong kaso sa mga rehiyon. Sa 1,427 kasong naitala ngayong araw, 1,389 ang nangyari sa nakalipas na dalawang linggo. Pinakamarami sa mga riyan ang sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (318)
  • CALABARZON (168)
  • Western Visayas (159)

Sa 79 bagong kumpirmang namatay, 74 ang sinasabing binawian ng buhay ngayong 2022 habang ang nalalabi ay pawang mga backlog na lang noong taong 2021 pa.

"Samantala ay mayroon namang naitalang 3,269 [bagong] gumaling," wika ng Kagawaran ng Kalusugan sa isang pahayag, habang nasa 3.53 milyon na ang gumagaling sa bansa sumatutal.

Lumalabas namang 104 ang tinanggal sa kabuuang COVID-19 case count ngayong araw, lalo na't 98 dito ay sinasabing gumaling na.

Sa kabila nito, 52 sa mga unang naibalitang recoveries ay patay na talaga matapos magkasa ng karagdagang validation.

Una nang sinabi ng DOH na posibleng bumaba pa ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas pagsapit ng ika-15 ng Marso sa 83 kung mapapanatili ng bansa ang antas ng pagsunod nito sa minimun public health standards.

Sa kabila ng pagbaba ng mga kaso nitong mga nagdaang araw, pinag-aaralan pa naman ng DOH at ng gobyerno kung tutungo na ba sa "new normal" o Alert Level 1 sa bansa sa susunod na buwan. 

Nangyayari ang lahat ng ito kahit na kaliwa't kanan ang malalakihang caravans at political activities sa ngayon habang papalapit ang 2022 national at local elections. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with