^

Bansa

Daily COVID-19 cases sa Pilipinas 'posibleng 83 na lang' sa Marso — DOH

Philstar.com
Daily COVID-19 cases sa Pilipinas 'posibleng 83 na lang' sa Marso � DOH
Residents buy from the many pop-up stalls which offer an assortment of local or foreign food choices as they dine in alfresco along the Cristobal Food Street in Sampaloc, Manila on Sunday night, Feb. 13. 2022.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Maaaring nasa 83 COVID-19 cases na lang ang maitatala sa Pilipinas kada araw sa kalagitnaan ng Marso kung mapapanatili ng bansa ang antas ng pagsunod nito sa minimum health standards, ayon sa datos na iprinesenta ng Department of Health (DOH).

Ganito ang sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes, habang ipinakikita ang bagong projections ng FASSTER.

"If we retain the current na pagsunod natin... sa minimum public health standards, 'yun pong ating mga kaso [ng COVID-19] na bibilangnin per day nationally pagdating ng March 15 maaaring bumaba as low as less than 100 cases," ani Vergeire sa briefing ng Palasyo.

"[Pero] kung bababa lang kahit 12% lang ang hindi pag-comply sa minimum public health standards, maaaring magkaroon po tayo ng mga kaso na katulad ng 2,000 at mahigit pagdating ng March 15."

 

 

Gayunpaman, maaaring nasa 7,745 raw ang bilang ng arawang COVID-19 cases sa parehong time period kung bumaba ng 19% ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standards (MPHS).

Maliban sa MPHS, ilan pa sa mga isinang-alang-alang sa nasabing projections ang mobility ng populasyon at pagtaas ng antas ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Lumabas ang mga mabababang projections kahit na nagsimula na ang opisyal na campaign period para sa 2022 national elections, panahon kung kailan kaliwa't kanang dinudumog ang mga political events gaya ng mga caravan.

"Because it is election time, it is campaign period, nananawagan po tayo sa ating mga kababayan, sa atin pong local officials at sa ating mga kandidato na sana po tayong lahat ay tulong-tulong para mapanatili nating mababa ang kaso sa bansa by complying with all the safety protocols that we have issued," sabi pa ni Vergeire.

Dahil sa pagbaba ng COVID-19 cases nitong mga nakaraan, inanunsyo ng Malacañang kamakailan na manananatili sa maluwag-luwag na Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang matapos ang Pebrero.

Una nang itinutulak ni presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na maibaba pa sa pinakamaluwag na Alert Level 1 ang Kamaynilaan pagdating ng Marso.

Lunes lang nang maitala ang 2,730 new COVID-19 cases, dahilan para umabot na sa 3.63 milyon sumatutal ang infections sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 55,094. — James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with