Plunder, graft vs Duque, 8 pa inirekomenda ng Senado

Bukod kay Duque, inirekomenda ring kasuhan ng paglabag sa anti-graft and corruption, plunder, tax evasion at procurement violation sina dating PS-DBM officer-in-charge Lloyd Christopher Lao at PS Director Warre Rex Liong. Kinasuhan din ng dagdag na falsification case si Liong.
The STAR / Michael Varcas, file

Sa Pharmally deal

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na kasuhan ng kasong administratibo at kriminal sina Health Secretary Francisco Duque III at dalawang mga dating opisyal ng Procurement Service-Department of Budget ang Management (PS-DBM) kaugnay ng kanilang papel sa maanomalyang kasunduang pinasok sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Bukod kay Duque, inirekomenda ring kasuhan ng paglabag sa anti-graft and corruption, plunder, tax evasion at procurement violation sina dating PS-DBM officer-in-charge Lloyd Christopher Lao at PS Director Warre Rex Liong. Kinasuhan din ng dagdag na falsification case si Liong.

Habang ang iba pang kinasuhan ng graft at plunder ay sina Pharmacy official na sina Linconn Ong, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Krizle Grace Mago at Huang Tzu Yen at dating economic adviser Michael Yang aka Yang Hong Ming.

Nakasaad din sa partial report na dating nang notoryus si Lao bago pa man masangkot ang kanyang pangalan sa Pharmally controversy.

Si Lao ang pinuno ng PS-DBM na siyang nagbigay na maraming kontrata na nagkakahalaga ng P10 bilyon sa Pharmally Pharmaceutical Corp. at maraming iba pa.

Nabanggit din sa report na bago pa pumasok si Lao sa PS-DBM, may record na umano ito ng attempted corruption at may negatibong reputasyon bilang extortionist umano sa Office of the Special Assistant of the President at sa Housing and Land Use Regulatory Board.

Si Liong, na itinalaga bilang Overall Deputy Ombudsman ay kasama ni Lao sa PS-DBM noong lagdaan ang purchase document.

Show comments