Comelec nagbabala vs fake socmed account

This file photo shows the Commission on Elections headquarters in Manila.
Philstar.com / AJ Bolando, file

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) laban sa mga pekeng social media accounts na nagpapanggap na mga komisyuner at opisyal ng komisyon.

Pinaalalahanan ni Comelec spokesperson James Jimenez ang mga netizen na huwag basta-basta tanggapin ang mga friend request/invitation ng mga suspicious accounts at suriin munang mabuti ang mga ito.

Ito ay makaraan na isang pekeng profile sa Twitter ang lumutang sa ilalim ng pangalan ni Commissioner Marlon Casquejo.

Naniniwala si Jimenez na ang paggawa ng mga pekeng social media accounts ay maaaring parte ng mas malaking disenyo para sirain ang kredebilidad ng Comelec.

Show comments