Villar, isinusulong ang San Jose, Batangas na maging ‘Egg Basket of the Philippines’

MANILA, Philippines — Dahil sa pangunguna bilang “egg producer” sa bansa, hinimok ni Senator Cynthia Villar ang mga senador na suportahan ang kanyang panukala para gawing “Egg Basket Capital of the Philippines” ang San Jose sa Batangas.

Iprinisinta ni Villar, chairperson ng Food, Agriculture and Agrarian Reform, sa ‘Senate plenary for approval’ ang Senate Bill No. 2044, o “An Act Declaring the Municipality of San Jose in the Province of Batangas, as the Egg Basket Capital of the Philippines.”

Binigyan diin niya na ang San Jose, first-class municipality sa Batangas, ang may pinakamataas na egg production sa bansa na 70,000 metric tons kada taon.

Sa hiling na suporta sa kanyang bill, sinabi rin ni Villar na nais din niyang ipagdiwang ang sipag at tiyaga ng San Jose egg farmers na patuloy sa pagbabago at pagpapabuti sa kanilang teknolohiya.

“Our experience this pandemic further highlights the need for our country to achieve food security. Our farmers and livestock growers toiled these last few months to ensure that the people have sufficient food to eat,” ayon kay Villar.

Upang kilalanin ang paghihirap at pagsusumikap ng San Jose egg raisers at upang magsilbi silang inspirasyon sa iba pang magsasaka sa bansa, nanawagan si Villar na suportahan ang panukalang batas na ito.

Iniulat ng senator na ang per capita egg consumption sa bansa noong 2020 ay umabot sa 13.74 kilograms kada taon o 229 piraso. Ang itlog ang pangunahing protein-rich na pagkain sa Pilipinas.

Base sa Food and Nutrition Research Institute ng DOST, ang itlog ang murang kukunan ng protin at iba pang sustansiya gaya ng fat, Vitamins A, D, E, B at  iron.

Show comments