Foreign travelers hihingian na ng proof of vaccination

This undated file photo shows immigration counters at the Ninoy Aquino International Airport.
The STAR / Rudy Santos, File

MANILA, Philippines — Simula sa Pebrero, dapat magpakita ng katibayan na may bakuna laban sa COVID-19 ang mga dayuhan na papasok sa Pilipinas.

“Beginning Feb.16, 2022, proof of full vaccination shall be made a requirement for entry of all foreign nationals allowed to enter the Philippines,” ani Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles.

Ang katibayan ng bakuna ay dapat ipakita bago sumakay ng eroplano sa anumang paliparan sa bansa.

Kabilang naman sa mga exemption ang mga bata na wala pang 18 taong gulang, mga indibiduwal na hindi maaaring mabakunahan dahil sa medical reasons na dapat may patunay ng isang public health region sa pinanggalingang bansa.

Kabilang sa mga maa­ring pumasok sa Pilipinas ang mga foreign diplomats at kanilang mga kuwalipikadong dependents o mga visa holders.

Show comments