^

Bansa

Utang ng Pilipinas P11.97 trilyon na nitong Oktubre, pinakamalaki uli sa kasaysayan

James Relativo - Philstar.com
Utang ng Pilipinas P11.97 trilyon na nitong Oktubre, pinakamalaki uli sa kasaysayan
A worker pulls a trolley of goods between vehicles along a street in the Divisoria district of Manila on November 30, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Muli na namang pumalo ang "outstanding debt" ng gobyerno ng Pilipinas noong sa nakaraang dalawang buwan habang patuloy na tumutulak ang coronadisease pandemic (COVID-19).

Papalo na ito sa P11.97 trilyon sa pagtatapos ng Oktubre 2021, balita ng Bureau of Treasury (BTr) sa isang pahayag ngayong ika-1 ng Disyembre.

Ito na ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas, mas malaki pa sa P11.9 trilyong marka noong Setyembre.

"Sa buwang 'yon, tumaas nang bahagya ang kabuuang utang ng pambansang gobyerno ng P54.48 bilyon o 0.46% primarya dahil sa net issurance ng domestic securities," paliwanag ng Treasury, Miyerkules, sa Inggles.

Nalampasan na nito ang inaasahang P11.73 trilyong pagkakautang na itinakda ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bago magtapos ang 2021.

Binubuo ang naturang pagkakutang ng:

  • P8.47 trilyon (domestic debt)
  • P3.5 trilyon (external debt)

Ang mga pagkakautang sa loob ng bansa ay nadagdagan ng P80.65 bilyon. Mas mataas ito ng 0.96% kumpara sa kinalagyan nito noong Setyembre dahil pa rin sa "net issurance" ng government securities.

"Simula 2021, lumundag ng P1.77 trilyon o 26.49% ang utang panloob [ng gobyerno]," patuloy ng BTr.

Obligasyon sa mga dayuhan lumiit

Sa kabila ng record-high debt ng national government, mas mababa ng P26.17 bilyon (0.74%) ang external debt ng bansa kumpara noong buwan bago nito.

Iniuugnay ang mas mababang bilang na ito sa epekto ng local at foreign currency exchange rate adjustments na umabot ng P22.68 bilyon at P8.45 bilyon. "Sobra-sobra na ito para ma-offset ang net availment ng external obligations na aabot sa P4.96 bilyon," dagdag pa ng BTr.

Halos buwan-buwang nakababasag ng historical records ang gobyerno pagdating sa paghiram ng pera habang gumagawa ito ng paraan upang pondohan ang COVID-19 response measures. Ang lahat ng ito ay nangyayari habang pinaghahandaan ng pamahalaan ang posibleng pagpasok ng heaviliy mutated Omicron variant.

Aabot na sa 2.83 milyon ang nahahawaan ng nasabing virus, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health nitong Martes. Sa bilang na ito, patay na ang 48,545 katao. — may mga ulat mula sa The STAR/Elijah Felice Rosales

vuukle comment

BUREAU OF TREASURY

NOVEL CORONAVIRUS

OUTSTANDING DEBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with