_ngayon
^

Bansa

Target sa vaccination drive, ibinaba sa 9 milyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Target sa vaccination drive, ibinaba sa 9 milyon
A health worker prepares a dose of the BioNtech Pfizer Covid-19 vaccine during a vaccination for seafarers at a stadium in Manila on July 15, 2021.
AFP / Ted Aljibe

Dahil sa kakulangan sa karayom

MANILA, Philippines — Ibinaba sa 9 na milyon ang target na mabakuna­han sa National Vaccination Days dahil sa kakulangan sa gamit partikular ng gagamiting karayom.

Nauna rito, itinakda sa 15 milyon ang target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Days na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Nagkaroon ng pagbabago sa target matapos konsultahin ng National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center ang mga lokal na lider ng mga probinsiya, siyudad at munisipalidad kabilang ang resource management team.

Sinabi nina NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Presidential Adviser for COVID-19 Response at NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon sa isang joint statement na habang isinasapinal ang malawakang paghahanda para sa bakunahan sa 16 na rehiyon sa labas ng Metro Manila, ay may kakulangan sa suplay lalo ng hiringilya.

“As we are finali­zing the preparations for this massive movement across the 16 regions outside Metro Manila, there is currently a shor­tage in ancillary supplies, particularly syringes for the Pfizer-BioNTech vaccines and other logistical challenges,” nakasaad sa statement.

Ayon pa sa statement, na-delay ang nakatakdang shipment ng biniling sulpay sa pamamagitan ng UNICEF dahil sa nangyayaring global shortage.

Samantala, sinabi ng NTF at NVOC na muling magsasagawa ng tatlong araw na National Vaccination Days mula Disyembre 15-17 upang matupad ang target na 54 milyong Filipino na mababakunahan bago matapos ang taon.

NTF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with