F2F sa kolehiyo sisimulan sa Disyembre

This June 2021 photo shows medicine students at the University of Santo Tomas in Manila conducting their limited in-person classes.
Release / The Varsitarian UST / Michael Cuevas

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng Commission on Higher Education’s (CHED) na pagpapatupad ng face-to-face (F2F) classes sa kolehiyo o higher education institutions (HEIs).

Sa inilabas na guidelines para sa pagpapatupad ng Alert Level System (ALS), ang limitadong F2F classes ay papayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2 at 3 pero magkakaroon ng mga kondisyon.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang Phase 1 ng limited F2F classes ay magsisimula sa Disyembre 2021 samantalang ang Phase 2 ay sa Enero 2022.

Ang lahat ng lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 at 3 ay maaari nang mag-apply para sa limitadong F2F.

Sinabi rin ni Nograles na pinatitiyak sa CHED na ligtas ang muling pagbubukas ng mga kolehiyo.

Papayagan ang F2F classes sa kondisyon na ang room capacity ay 50 porsiyento at ang mga kasali ay tanging mga fully vaccinated na teaching at non-teaching personnel at mga estudyante. Kailangan din na aprubahan ito ng kinauukulang local government units.

Show comments