Makabayan Coalition susuportahan si Pacquiao

Sinabi ni Deputy Speaker Lito Atienza, running mate ni Pacquiao, na maraming grupo ang susuporta sa tandem nila ng pambansang kamao kung saan kabilang ang Makabayan sa magi-indorso sa kanilang kandidatura.
STAR / File

MANILA, Philippines — Susuportahan ng Makabayan Coalition ang kandidatura ni Senador Manny Pacquiao sa pagka-pangulo sa 2022 national elections sa bansa.

Sinabi ni Deputy Speaker Lito Atienza, running mate ni Pacquiao, na maraming grupo ang susuporta sa tandem nila ng pambansang kamao kung saan kabilang ang Makabayan sa magi-indorso sa kanilang kandidatura.

“Inindorso na nila si Manny Pacquiao,” ani Atienza.

Ang Makabayan ay kinabibilangan ng mga progresibong grupo tulad ng Bayan Muna, Kabataan, Alliance of Concerned Teachers, Gabriela at Anakpawis.

Bilang reaksyon, sinabi naman ni Makabayan at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares na wala pa silang iniindorsong presidential candidate.

“Not true. Makabayan has not declared support for any candidate,” paglilinaw ni Colmenares dahil kailangan pa anya itong pag-usapan ng mga miyembro at opisyal ng Makabayan.

Show comments