^

Bansa

150 pulis sabit sa drug war - DOJ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
150 pulis sabit sa drug war - DOJ
Ayon sa DOJ, ­karamihan sa mga pulis na ito ay may mga ­administratibong paglabag at nabigyan ng iba’t-ibang parusa mula sa pag-reprimand, ­suspensyon, demosyon at maging pagkasibak sa tungkulin.
KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Aabot sa 150 pulis ang sabit sa 52 anti-drugs operations na ikinasa ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng inilunsad na ‘drug war’ ng pamahalaan, base sa inilabas na drug war report ng Department of Justice (DOJ) kahapon.

Ayon sa DOJ, ­karamihan sa mga pulis na ito ay may mga ­administratibong paglabag at nabigyan ng iba’t-ibang parusa mula sa pag-reprimand, ­suspensyon, demosyon at maging pagkasibak sa tungkulin.

Sa 52 kasong sinuri, karamihan sa mga suspek ay nagbunot umano ng baril o nanlaban sa mga buy-bust operations. Ngunit ilang medical reports ang lumabas na ­negatibo sa gunpowder ang mga nasawing suspek.

Kabilang dito ang kaso ng isang 17-anyos na si Nave Perry Alcantara sa Tuguegarao City noong Agosto 2018 na sinabing nagbunot at nagpaputok ng baril sa mga pulis ngunit wala namang bakas ng gunpowder sa kaniya. Marami rin sa mga kaso ang walang ‘ballistic o paraffin tests, autopsy report, death certificates, SOCO reports at iba pang dokumento.

Kasalukuyang nagsasagawa na ng ‘case build-up’ ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa naturang mga pulis para sa posibleng pagsasampa ng kasong kriminal.

Ito ang ikalawang ‘drug war review’ ng DOJ. Nagmula ang mga kaso sa iba’t ibang parte ng bansa habang ang ilan ay mula sa National Capital Region.

vuukle comment

DOJ

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with