Pumanaw sa COVID-19 sa Pilipinas papatak na sa 39,232 katao
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,670 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Biyernes, kung kaya't nasa 2,643,494 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 2,643,494
- Nagpapagaling pa: 118,203, o 4.5% ng total infections
- Kagagaling lang: 7,691 dahilan para maging 2,486,059 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 191, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 39,232
Bagong protocols sa int'l travelers
-
Sa lagpas 20 milyong fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa Pilipinas, lumalabas na 516 lang o nasa 0.0025% ang nagpositibo pa rin sa virus, pag-uulat ng Food and Drug Administration (FDA) kanina.
-
Papalo naman na sa 48.92 milyong doses ng COVID-19 vaccines na ang naiturok sa Pilipinas sa ngayon. Bahagi nito ang kabuuang 22.87 milyong Pilipinong kumpleto na ang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit.
-
Nadagdagan naman muli ang suplay ng bakuna laban kontra pandemya sa bansa matapos lumapag ang nasa 2.1 milyong doses ng Moderna at 661,000 AstraZeneca sa Ninoy Aquino International Airport ngayong umaga. Ang mga Moderna vaccines ay kinuha ng gobyerno at pribadong sektor habang private firms naman ang kumuha ng bagong batch ng AstraZeneca jabs.
-
Sinimulan naman ng Pilipinas ang pagpapatupad ng mas maiiksing quarantine protocols para sa international travelers galing sa mga bansang kinikilalang "low" at "moderate" risk para sa COVID-19 ngayong Biyernes.
-
Sumampa na sa 236.13 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.82 milyong katao.
— James Relativo
- Latest