^

Bansa

FDA: 0.0025% lang sa mga fully vaccinated ang tinamaan pa rin ng COVID-19

James Relativo - Philstar.com
FDA: 0.0025% lang sa mga fully vaccinated ang tinamaan pa rin ng COVID-19
Residents wait in a queue to receive Gamaleya National Center of Epidemiology and Microbiology's Sputnik V Covid-19 vaccine in Mandaluyong City, suburban Manila on July 15, 2021.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Kakarampot lang sa mga nakakuha ng kumpletong proteksyon sa pamamagitan ng bakuna ang kinapitan pa rin ng coronavirus disease (COVID-19), pagtitiyak ng gobyerno sa mga panibagong datos nito.

Ito ang iprinesenta ngayong Biyernes ni Food and Drug Administration director general Eric Domingo pagdating sa inihahaing proteksyon ng COVID-19 vaccines sa mga Pilipino, bagay na labis napabababa sa pamamagitan ng immunization.

"['Yung] 516 natin [out of the 20.3 million fully vaccinated], ito 'yung talagang true breakthrough infections because the virus was detected from a person 14 days after the completion of all recommended doses," wika ni Domingo sa isang media forum kanina.

"What we see is that it's 0.0025%. It's less than one fourth of one one thousandth of a percent out of 20.3 million fully vaccinated individuals."

As of September 26, 2021, aabot na sa 43.93 milyon ang fully vaccinated:

  • fully vaccinated (20.3 milyon)
  • partially vaccinated (6.9 milyon)

Sa ngayon, narito ang bilang ng mga pinaghihilaang nakaranas ng side-effects mula sa COVID-19 vaccines sa Pilipinas:

  • suspected adverse reaction: 64,891 (0.15% ng total doses na naiturok)
  • suspected serious adverse reaction: 2,597 (0.006% ng total doses na naiturok)

Mapapansin ding mas bumababa ang bilang ng COVID-19 infections kapag nakukumpleto ang two dose o single dose vaccines, batay sa mga kasalukuyang datos ng FDA:

  • COVID-19 infections matapos ang unang doses (849)
  • COVID-19 infections lagpas 14 araw matapos ang kumpletong dose (516)
  • COVID-19 infections nang wala pang 14 araw matapos ang kumpletong doses (126)
  • unknown dose/timing (90)

Mula sa mga datos, masusuportahan ang ideyang mas malaking proteksyon ang naibibigay kontra COVID-19 sa mga fully vaccinated individuals.

Itinuturing lang na "fully vaccinated" ang isang tao 14 araw matapos makuha ang ikalawang dose o single-dose vaccine depende sa brand ng gamot.

14 patay sa fully vaccinated, 'puro senior na may sakit'

Lumalabas din na sobrang liit ng bilang ng mga namamatay pa rin sa COVID-19 matapos maging fully vaccinated: halos lahat sa kanila ay 60-anyos pataas at may komplikasyon na talaga sa kalusugan.

"Ang interesting to note, doon sa 14 natin na mortalities after 14 days ng full vaccination, talagang all of them were senior citizens except one," paliwanag pa ni Domingo.

"There was one person na in the late 50s... 'yung 13, talagang senior citizens and many of them had comorbidities like diabetes and hypertension."

Kilalang mas mataas ang risk ng mga nakatatanda sa COVID-19 at pagkamatay dito, lalo na sa mga mas malulubhang sintomas nito.

 

 

Infections batay sa vaccine brand

As lahat ng vaccine brands, ang Chinese COVID-19 vaccine na Sinovac ang nakapagtala ng pinakamaraming viral infections matapos makapagbigay ng full vaccination sa tumanggap.

Bagama't mababababa ang efficacy rate nito kumpara sa ibang brands, ito rin kasi ang pinakalaganap na brand na naiturok na sa Pilipinas:

  • Sinovac (327)
  • AstraZeneca (125)
  • Sputnik V (1)
  • Pfizer (28)
  • Moderna (0)
  • Janssen (35)
  • Sinopharm (0)

Narito naman ang breakdown ng mga namatay pa rin sa COVID-19 batay sa brand matapos ang full immunization:

  • Sinovac (8)
  • AstraZeneca (1)
  • Sputnik V (0)
  • Pfizer (0)
  • Moderna (0)
  • Janssen (5)
  • Sinopharm (0)

Sa huling taya ng Department of Health nitong Huwebes, umabot na sa 2.63 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa. Sa bilang na 'yan, umabot na sa 38,937 ang namamatay.

vuukle comment

COVID-19 VACCINES

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with