ECQ sa NCR posibleng i-extend - DOH

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na palaging may posibilidad sa pagpapalawig ng ECQ dahil kahit na umiiral na ang dalawang linggong hard lockdown ay patuloy pa ring tataas ang mga maitatalang COVID-19 cases, base sa kanilang projection.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na mapahaba pa ang implementasyon ng ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ sa Metro Manila dahil sa patuloy pang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na palaging may posibilidad sa pagpapalawig ng ECQ dahil kahit na umiiral na ang dalawang linggong hard lockdown ay patuloy pa ring tataas ang mga maitatalang COVID-19 cases, base sa kanilang projection.

“Ang atin po lang objective for this ECQ is for us to prepare the system para mas ma-manage natin itong ganitong klaseng sitwasyon,” saad ni Vergeire.

Ngunit nilinaw ng opis­yal na ang pagpapalawig ay kailangan pa ring talakayin ng Inter-Agency Task Force for the Ma­nagement of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ang Metro Manila ay kasalukuyang nakasai­lalim sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20 upang mapigilan ang pagkalat ng mga kaso ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi lamang ang lockdown ang dapat na asahan, kundi kailangan ding magsagawa ng iba pang mga pamamaraan upang mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

Show comments