_ngayon
^

Bansa

Malacañang binati ang Pinoy athletes na namumurong mag-uwi ng medalya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binati kahapon ng Malacañang ang mga atletang Pinoy sa Tokyo Olympics na namumu­rong makapag-uwi muli ng medalya para sa Pilipinas katulad ni Hidilyn Diaz.

Kabilang rito sina Nesthy Petecio na nanalo sa women’s boxing featherweight semifinals sa Tok­yo Olympics, si EJ Obiena na pasok na sa finals ng Men’s Pole Vault at Carlo Paalam na umusad sa quarter finals sa men’s boxing flyweight class.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikiisa ang Malacañang sa samba­yanang Filipino sa pagbubunyi sa ipinakitang galing ng mga atletang Filipino sa kanilang laban kahapon.

Idinagdag din ni Roque na nagdarasal ang buong bansa para sa mga atleta at sa pagpupunyagi nila na makapag-uwi ng gintong medalya para sa Pilipinas.

TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with