Albay nilindol

MANILA, Philippines — Niyanig ng lindol na may magnitude 3.1 ang Albay kahapon ng alas 10:58 ng umaga.

Ayon sa Phil. Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs), ang sentro ng paglindol ay nasa may 007 kilometro timog silangan ng Ligao City, Albay.

Umaabot naman sa  007 km ang lalim ng lupa ng lindol na ang pinagmulan ay tectonic.

Dulot nito, naramdaman ang pagyanig ng lindol sa lakas na Intensity III sa Daraga at Intensity II sa Legazpi City.

Wala namang ulat ng damage sa lindol at wala ring aftershocks.

Show comments