_ngayon
^

Bansa

GCQ 'with heightened restrictions' tuloy sa NCR hanggang ika-15 ng Agosto

Philstar.com
GCQ 'with heightened restrictions' tuloy sa NCR hanggang ika-15 ng Agosto
Marikina residents, who are among the 250 evacuated families from barangays near the river, assemble makeshift dwelling spaces inside classrooms of the H. Bautista Elementary School after days of heavy rainfall likely to trigger flashfloods.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Pananatilihin ang Kamaynilaan sa general community quarantine (GCQ) "with heightened restrictions" hanggang Agosto ika-15 ng Agosto, kahit iminumungkahi ng ilang researchers at negosyante na ilagay ito sa mas mahigpit na lockdown.

Ito ang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit ilang araw nang inirerekomenda ng OCTA Research at business sector ang "2-week circuit-breaker lockdown" sa Metro Manila dahil sa pagsipa uli ng mga COVID-19 infections.

Magiging epektibo ang GCQ with heightened restrictions mula ika-1 hanggang ika-15 ng Agosto:

  • National Capital Region
  • Ilocos Sur
  • Bulacan
  • Laguna
  • Lucena City
  • Cavite
  • Rizal
  • Naga City
  • Antique
  • Aklan
  • Bacolod City
  • Capiz
  • Negros Oriental
  • Zamboanga del Sur
  • Misamis Oriental
  • Davao City
  • Davao del Norte
  • Davao de Oro
  • Davao Occidental
  • Butuan City

Sa mga lugar na GCQ with heightened restrictions, bawal lumabas ang mga batang edad 5-anyos pataas.

Regular na GCQ naman ang ipatutupad sa mga sumusunod na bansa buong Agosto:

  • Baguio City
  • Apayao
  • Quezon
  • Batangas
  • Puerto Princesa
  • Guimaras
  • Negros Occidental
  • Zamboanga Sibugay
  • City of Zamboanga
  • Zamboanga del Norte
  • Davao Oriental
  • Davao del Sur
  • Gen. Santos City
  • Sultan Kudarat
  • Sarangani
  • North Cotabato
  • South Cotabato
  • Agusan del Norte
  • Surigao del Norte
  • Agusan del Sur
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Sur
  • Cotabato City

Mahigpit-higpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) naman sa sumusunod na lugar hanggang ika-15 ng Agosto:

  • Ilocos Norte
  • Bataan
  • Lapu-Lapu City
  • Mandaue City

Nasa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) pa rin naman ang sumusunod hanggang ika-7 ng Agosto:

  • Iloilo City
  • Iloilo
  • Cagayan de Oro City
  • Gingoog City

Mananatili naman sa pinakamaluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang nalalabing bahagi ng Pilipinas na hindi nabanggit.

Martes nang manawagan ng dalawang linggong "circuit-breaking" lockdowns ang OCTA Research group dahil sa diumano'y surge ng COVID-19 infections sa Kamaynilaan, bagay na maaaring naiimpluwensyahan na raw ng mas nakahahawang COVID-19 Delta variant. Bagama't tumataas talaga ang mga kaso, ayaw pa itong tawaging "surge" ng Department of Health (DOH).

Una na rin itong inirekomenda ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. para sa National Capital Region upang mabigyan ng oras ang mga kumpanya na makapaghanda sa pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 cases.

Sa huling tala ng DOH nitong Miyerkules, umabot na sa 1.56 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na ang 27,401 sa kanila. — James Relativo

COVID-19 DELTA VARIANT ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE GENERAL COMMUNITY QUARANTINE IATF NOVEL CORONAVIRUS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with