Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas tumalon sa 1,566,667, ayon sa DOH
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 4,478 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya't nasa 1,566,667 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 1,566,667
- Nagpapagaling pa: 54,552, o 3.5% ng total infections
- Kagagaling lang: 6,149, dahilan para maging 1,484,714 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 84, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 27,401
COVID-19 positive na mga pulis itinalaga noong SONA
-
Kinumpirma ng pamahalaang Lungsod ng Quezon na umabot sa 82 kawani ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3 ang nagpositibo sa COVID-19. Ang masaklap, 51 sa kanila ay naitalaga para magtrabaho noong State of the Nation Address nitong Lunes.
-
Kinumpirma naman ni Sen. Richard "Dick" Gordon kanina na nagpositibo siya sa COVID-19. Ito'y matapos iulat ng Philippine Red Cross na tinamaan siya nito matapos suriin ang kanyang RT-PCR test result. Masama raw ang kanyang pakiramdam ngayon ngunit wala nang ibang nararamdaman na sintomas.
-
Samantala, umabot naman na sa 16 ang aktibong kaso ng mas nakakahawang Delta variant sa Metro Manila, ayon kay Dr. Manuel Mapue II, head ng regional epidemiology and surveillance unit ng DOH sa National Capital Region, sa Laging Handa briefing.
-
Sa kabila nito, naninindigan pa naman ang Kagawan ng Kalusugan na wala pa ring "surge" ng COVID-109 cases sa Kamaynilaan.
-
Umabot na sa 194.6 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.17 milyong katao.
— James Relativo
- Latest