MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na bilang ama ay nag-aalala rin ang Pa-ngulo sa anak bagaman at bata pa at malusog ang vice mayor.
Sinabi ni Roque na immune system pa rin ang lumalaban sa COVID-19.
Gayunman, hindi niya alam kung nagkaroon ng close contact ang Pangulo sa anak.
Sinabi rin ni Roque na hindi niya alam kung Delta variant ang tumama sa vice mayor dahil wala pa namang napapaulat na Delta variant sa Davao.