Petsa ng pasukan inirekomenda ng DepEd

Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na maaaring Agosto 23 dahil ayon sa batas huling Lunes ng nasabing buwan ang pinaka-late na pagsisimula ng klase.
Philstar.com/ Gladys Cruz

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga petsang Agosto 23, Set-yembre 6, at Setyembre 13 para sa pagbubukas ng klase.

Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na maaaring Agosto 23 dahil ayon sa batas huling Lunes ng nasabing buwan ang pinaka-late na pagsisimula ng klase.

Maaari rin Setyembre 6 o 13 kung sa tingin ng Pangulo ay hindi pa tayo handa dahil nasa ilalim pa ng state of calamity.

Sa ilalim ng bagong batas, binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na magtakda o magpalit ng petsa ng pagbubukas ng klase kung nasa state of calamity ang bansa alinsunod sa rekomendasyon ng DepEd.— Mer Layson

Show comments