_ngayon
^
Delta variant mas mapanganib, madaling kumalat - expert
Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, isang ‘infectious disease expert’, isa sa adviser ng National Task Force on COVID-19, naiulat na mas nakakahawa ng apat na beses ang Delta variant na unang naiulat sa India kaysa sa orihinal na virus mula sa Wuhan, China at mas dobleng nakakahawa kumpara naman sa United Kingdom variant.
AFP/Ted Aljibe

Delta variant mas mapanganib, madaling kumalat - expert

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa talaga dapat tanggalin ang pagsusuot ng face shield dahil sa mas mapanganib na COVID-19 Delta va­riant na maaaring maihawa kahit na sa mga pagkakataong saglit lamang ang kontak sa isang carrier.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, isang ‘infectious disease expert’, isa sa adviser ng National Task Force on COVID-19, naiulat na mas nakakahawa ng apat na beses ang Delta variant na unang naiulat sa India kaysa sa orihinal na virus mula sa Wuhan, China at mas dobleng nakakahawa kumpara naman sa United Kingdom variant.

“What’s scary for me is...what’s being reported by the Health Department in Australia is that it only takes fleeting contact with people who are infected for other people to get infected,” aniya.

Mas mabilis umano itong maipasa kahit saglit lamang ang interaksyon sa isang positibong tao kumpara sa ibang variants na kailangan ng 15 minuto bago maipasa.

Kapag nahawa, mas matindi umano ang tumatamang sakit sa isang pasyente kumpara sa ibang variants ng virus.

Sinabi niya na hindi ito panahon para isugal ng mga Pilipino ang kalusugan at ang mga narating sa laban sa COVID-19 sa hindi pagsusuot ng face shield.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with