P6.3 bilyon inilabas ng PhilHealth sa hospital claims

Bukod dito, nagbayad din sila ng may P231 bilyong claims para sa COVID-19 at non-COVID-19 cases.
PhilHealth FB Page

MANILA, Philippines — Nakapagpalabas na ang PhilHealth ng may P6.3 bilyon para sa hospital claims sa ilalim ng kanilang Debit-Credit Payment Method (DCPM) na nagpapabilis sa reimbursements sa mga ospital.

Ayon kay PhilHealth acting spokesperson Dr. Shirley Domingo, may 206 health institutions ang tumanggap ng disbursements.

Bukod dito, nagbayad din sila ng may P231 bilyong claims para sa COVID-19 at non-COVID-19 cases.

Gayunman, niliwanag ni Domingo na inaasahan nila ang delays sa reimbursement ng pondo dahil may ilang health care institutions ay may kulang na mga dokumento para agad maiproseso.

“Hindi lahat ng claims ay binabayaran agad. Kasi binubusisi ‘yan kasi pera ng bayan ang pinag-uusapan,” sabi pa ni Domingo.

Iniulat din ng PhilHealth na nagbayad na sila ng may P5.5 bilyong utang sa Red Cross para sa COVID-19 testing.

 

Show comments