_ngayon
^

Senators Pacquiao, Pimentel ‘didadalo sa PDP-Laban meeting

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi dadalo sina Senators Manny Pacquiao at Koko Pimentel sa pagtitipon ng PDP-Laban sa Hulyo 17 na ipinatawag ng kampo ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ayon kay Pimentel, vice-chairman ng PDP-Laban at isa rin sa umano’y gumawa ng konstitusyon ng kanilang partido, hindi otorisado ang Cusi Assemblies kaya hindi siya dadalo rito.

Sinabi naman ni Ron Munsayac, executive director ng partido, na ang mga tinatawag na ‘old guards’ ng kanilang partido, maging ang mayorya sa kanilang ‘grassroots membership’ ay suportado ang kanilang posisyon.

Naniniwala rin siya na sa 100,00 miyembro ng kanilang partido higit 5,000 lang ang politiko, mula kay Pangulong Duterte hanggang sa mga konsehal ng mga lungsod at bayan.

Naniniwala naman si Pimentel na si Pacquiao ang “good choice” para sa presidential bet ng kanilang Partido bagama’t ang pagtakbo umano sa pagkapangulo ay dapat boluntaryo.

Sa tingin ng Senador, naghahanda na rin sa posibilidad na pagtakbo sa mataas na posisyon si Pacquiao.

Matatandaan na maugong ang pangalan ni Pacquiao na tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 elections subalit wala pa siyang pinal na desisyon.

KOKO PIMENTEL MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with