Duterte kay Pacquiao: Mag-aral ka muna sa WPS issue

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Manny Pacquiao at sinabihan na mag-aral muna nang husto tungkol sa isyu ng West Philippine Sea.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos kuwestyunin ni Pacquiao ang paninindigan ng Pangulo tungkol sa isyu.

Sinabi ni Duterte na hindi naman niya minamaliit si Pacquiao pero naniniwala siya na konti ang nalalaman nito ukol sa foreign policy.

“It’s about foreign policy. I would not want to degrade him but next time he should, mag-aral ka muna nang husto,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na mistulang mababaw ang nalalaman ni Pacquiao.

Matatandaan na sinabi ni Pacquiao na nakukula-ngan siya sa stand ni Duterte tungkol sa pananakop ng China kumpara noong kumakandidato pa lang siyang presidente.

Sinabi naman ni Pacquiao na ikinalulungkot niya na mali ang nakarating na impormasyon kay Pangulong Duterte ukol sa kanyang naging pahayag tungkol sa isyu sa WPS.

Pinaninindigan naman niya na ang kanyang na-ging pahayag ay ang pangkalahatang sentimyento ng Filipino, na kailangang manindigan ng lahat sa pakikipaglaban sa karapatan ng bansa.

Ayon pa sa Pambansang Kamao, inirerespeto niya ang sinabi ni Pangulong Duterte ngunit diin niya hindi niya ito sinasang-ayunan.

“I respect the President’s opinion but humbly disagree with his assessment of my understanding of foreign policy. I am a Filipino voicing out what needs to be said in defense of what has been adjudicated as rightfully ours,” diin ng senador.

Show comments