Malasakit Movement nag-donate ng P250K sa PGH

MANILA, Philippines — Isang non-govern­ment organization  (NGO) ang nag-donate ng P250,000 sa Philippine General Hospital (PGH) na ang isang bahagi ay tinupok ng apoy kama­kailan.

Mismong si Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Asec. Celine Pialago, founder ng Malasakit Movement, ang nag-abot ng P250,000 cash kay PGH president Dr. Gerar­do “Gap” Legas­pi sa kanyang tanggapan.

“We heard the appeal of PGH, this is why we donated financial help to them,” ayon kay Pialago.

Kasabay nito, sinabi ni Pialago na mahalaga ang gampanin ng mga pagamutan gaya ng PGH, lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

“This is our little way   of thanking PGH that serves many indigent Filipinos in dire need of medical help,” aniya pa.

Labis naman ang pa­salamat ni Legaspi sa tulong pinansiyal ng Malasakit Movement sa PGH.

Sa isang Facebook post, umaapela ang PGH ng donasyon matapos na tupukin ng apoy ang isang bahagi nito noong Mayo 16 ng madaling araw.

Maging ang Univer­sity of the Philippines Office of the Student Regent ay humihingi rin ng donasyon para sa paga-mutan.

Show comments