_ngayon
^
Voterâs registration magbubukas muli sa Lunes
Ayon kay Comelec exe­cutive director Bartolome Sinocruz Jr., magbubukas ang lahat ng tanggapan ng Comelec sa Metro Manila, mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
The STAR/Michael Varcas

Voter’s registration magbubukas muli sa Lunes

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling magbubukas ang pagpaparehistro ng mga bagong botante para sa 2022 National Elections sa darating na Lunes makaraang ilagay na ang NCR Plus sa ge­neral community quarantine (GCQ).

Ayon kay Comelec exe­cutive director Bartolome Sinocruz Jr., magbubukas ang lahat ng tanggapan ng Comelec sa Metro Manila, mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Target ng Comelec na magkaroon ng 7 mil­yong bagong rehistradong botante ngunit apat na buwan bago ang palugit ay nasa 2.8 milyon pa lang ang bilang ng mga nagpaparehistro nitong Abril 30 dulot ng mga restriksyon dahil sa pandemya.

Sa kasalukuyan, nasa 58.9 milyong Pilipino pa lamang ang nakarehistro sa bansa, ayon kay Bartolome.

 

VOTER’S REGISTRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with