Sa sobrang init: Mamalagi sa bahay - PAGASA

Ayon kay weather forecaster Chris Perez, nitong nagdaang linggo ay nakaranas ang Metro Manila ng maximum temperature na 34.8 degrees Celsius pero aabutin ang epekto ng init sa katawan ng tao ng hanggang 36-38 degrees Celsius heat index.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dahil sa sobrang init ng panahon, hinikayat ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at mamalagi lamang sa loob ng tahanan dahil aabutin ng 38 degrees Celsius ang heat index.

Ayon kay weather forecaster Chris Perez, nitong nagdaang linggo ay nakaranas ang Metro Manila ng maximum temperature na 34.8 degrees Celsius pero aabutin ang epekto ng init sa katawan ng tao ng hanggang 36-38 degrees Celsius heat index.

Kahapon, pumalo ang heat index sa Metro Manila sa 33.9 hanggang 39.1

Ang pinakamataas na heat index forecast ay 33.5 - 41.8 sa  Sangley Point, Cavite.

Anya, ang pinakamataas na temperatura ay mararamdaman mula alas-3 ng hapon.

 

Show comments