_ngayon
^

Pagbusisi sa paggastos sa P570 bilyon Bayanihan 1 at 2 suportado sa Senado

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang panawagan para sa pagbusisi ng P570 bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 upang matiyak na ang bilyun-bilyong pondo ng taumbayan ay nagagamit nang tama para mabawasan ang epekto ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

“Dapat suportahan natin iyan. Kailangang busisin natin iyan dahil bilyun-bilyon ang halagang involved dito,” wika ni Pangilinan.

Tinutukoy ni Pangilinan ang Senate Resolution 710 na humihikayat sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit ukol sa paggamit ng pamahalaan sa pondong inilaan sa Bayanihan Heal as One Act (Bayanihan 1) at Bayanihan to Recover Act (Bayanihan 2).

Ayon kay Pangilinan, dapat ding silipin ang isyu sa umano’y overpriced na personal protective equipment (PPEs), testing kits, at laboratory equipment na binili ng pamahalaan para matugunan ang Covid-19.

Aniya, dapat ding busisiin ang distribusyon ng ayuda sa harap ng mga ulat ng iba’t ibang anomalya, kabilang na ang hindi tamang halaga na ibinibigay sa taumbayan.

Iginiit din ni Pangilinan na dapat ipabatid ng pamahalaan sa Senado at Kongreso kung paano ginagastos ang pondo ng Bayanihan 1 at 2 sa pamamagitan ng lingguhang ulat gaya nang iniatas ng batas mula sa Malacañang sa ilalim ng Bayanihan 1.

FRANCIS “KIKO” PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with