^

Bansa

Higit 1 milyong doses ng AstraZeneca ng private sector, darating sa Hunyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang darating sa Hunyo ang higit sa isang milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na inorder ng pri­badong sektor at gagamitin para sa pagbakuna sa kanilang mga empleyado.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na 1.3 milyon sa 17 milyong doses ng AstraZeneca vaccine na nakopo sa pamamagitan ng ‘tripartite deals’ sa pagitan ng pribadong sektor, mga lokal na pamahalaan at iba-ibang manufacturers ang darating.

Nasa 100 kumpanya umano ang makikinabang sa parating na inisyal na suplay ng bakuna. Kabilang sa mga naunang umorder ay ang ICTSI, Ayala, SM, Lucio Tan, Megaworld, Philippine Franchising Association, at Philippine Retailers Association, ayon kay Concepcion.

Nag-uumpisa na rin umano ang mga pribadong kumpanya na magtayo ng sarili nilang ‘vaccination sites’ para handa na sa pagdating ng mga bakuna. Sila na rin ang mamimili kung sino ang magsasagawa ng pagbabakuna sa kanilang mga empleyado.

Idiniin ni Concepcion na dapat makumbinsi ang lahat ng mga empleyado sa pribadong sektor na magpabakuna para makamit ang target na ‘herd immunity’ at lubusang makarekober ang Pilipinas sa pandemya.

vuukle comment

ASTRAZENECA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with