^
P368 milyong pondo sa Bayanihan 2, gagamitin sa pag-hire ng vaccinators
“We have Bayanihan 2 funds valid until June 2021 and this is P368 million which we have given to our regional offices to hire COVID-19 vaccinators and this is up to June 31, 2021, but we are requesting the extension of Bayanihan 2,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
KJ Rosales

P368 milyong pondo sa Bayanihan 2, gagamitin sa pag-hire ng vaccinators

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P368 milyong pondo na kukunin sa Bayanihan 2 funds ang gagamitin ng Department of Health (DOH) para mag-hire ng sapat na mga vaccinators upang mas mapabilis ang ginagawang “vaccination program” ng pamahalaan.

“We have Bayanihan 2 funds valid until June 2021 and this is P368 million which we have given to our regional offices to hire COVID-19 vaccinators and this is up to June 31, 2021, but we are requesting the extension of Bayanihan 2,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

Sa kasalukuyan, nasa 3,000 vaccinators na ang nakukuha ng DOH buhat sa pondo. May P165.5 bilyong pondo na inilaan para sa COVID-19 response sa Bayanihan 2 Law.

Nais rin ng DOH na isama ang naturang probisyon ng paglalaan ng pondo sa pag-hire ng vaccinators sa ilalim ng panukalang Bayanihan 3 Law.

Nais ring kunin ng DOH ang serbisyo ng mga medical health workers na nakatalaga sa military at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kakailanganin din umano ang kooperas­yon ng pribadong sektor na pinanawagan na gamitin ang kanilang mga health workers na nagtatrabaho sa kanilang kumpanya sa COVID-19 efforts.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with