HS grads puwedeng contact tracers – DILG

Ayon kay DILG Usec. Bernardo Florece, dati ay college graduate o kahit man lang umabot sa second year college ang tinatanggap na contact tracers o tagahanap ng mga nakasalamuha ng isang nagpositibo sa COVID-19 pero ibinaba na ito ngayon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga informal sector workers.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ibinaba ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kuwalipikasyon ng mga nais maging contact tra-cers kung saan maaari na ring mag-aplay ang mga nagtapos ng high school.

Ayon kay DILG Usec. Bernardo Florece, dati ay college graduate o kahit man lang umabot sa second year college ang tinatanggap na contact tracers o tagahanap ng mga nakasalamuha ng isang nagpositibo sa COVID-19 pero ibinaba na ito ngayon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga informal sector workers.

Pero mas mabuti rin aniya kung may karanasan lalo na sa pag-i-interview o mga naging ahente.

Kailangan lang aniya na magbigay ng letter of application o letter of intent, sertipikasyon ng barangay kung taga-saan ang aplikante at medical certificate.

Magsisimula ngayon ang pagtanggap ng mga aplikante hanggang Abril 22.

“Kung taga-Quezon City kayo, doon kayo mag-a-apply as contact tracer. At of course, mayroon po ta-yong niri-require na medical certificate. Napakasimple lamang po ng ating requirements at simula po bukas ay open na iyong ating hiring    at ito ay magtatapos hanggang April 22,” ani Florece.

Nasa 4,754 pang contact tracers ang kukunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng TUPAD o Tulong Pangkabuhayan Para sa Ating mga Displaced workers.

Show comments