^
âAcademic easeâ imbes academic break â DepEd
Ang pahayag ay ginawa ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, kasunod ng kahilingan ng mga estud-ante sa pamahalaan na magpatupad ng academic break dahil nahihirapan silang makaagapay sa mga hamong kinakaharap ngayong umiiral ang distance learning sa bansa dahil sa pandemya.
Philstar.com/ Gladys Cruz

‘Academic ease’ imbes academic break – DepEd

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanindigan ang De­partment of Education (DepEd) na hindi kaila- ngang itigil ang pag-aaral ng mga estudyante kahit pa nahaharap ang bansa sa pandemya ng COVID-19.

Ang pahayag ay ginawa ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, kasunod ng kahilingan ng mga estud-ante sa pamahalaan na magpatupad ng academic break dahil nahihirapan silang makaagapay sa mga hamong kinakaharap ngayong umiiral ang distance learning sa bansa dahil sa pandemya.

Ayon kay San Antonio, mayroon namang tinatawag na ‘academic ease,’ na mas mainam aniyang alternatibo upang matulungan ang mga estudyante na makaagapay sa kanilang pag-aaral ngayong may pandemya.

Nanindigan din si San Antonio na ang kawalan ng access sa teknolohiya ay hindi dahilan upang itigil ang klase dahil mayroon namang mga available na printed self-learning modules.

Umapela rin siya sa lahat ng guro na itigil ang pagbibigay ng istriktong deadlines sa mga estud-yante at bigyang konsi-derasyon ang mga ito dahil nahaharap din sila sa mga hamon sa ilalim ng distant learning moda-lity.

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with