^
Ivermectin âwag gamitin sa COVID-19 patients â WHO
Sa pinakabagong guide­lines ng WHO, maaari lang gamitin ang Ivermectin sa COVID patients na isinalang sa clinical trial.
AFP/Fabrice Coffrini

Ivermectin ‘wag gamitin sa COVID-19 patients – WHO

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinontra ng World Health Organization (WHO) na isang ‘miracle cure’ laban sa COVID-19 ang Ivermectin, sa pagsasa-bing hindi ito dapat gami-ting gamot sa pasyenteng may coronavirus.

Sa pinakabagong  guide­lines ng WHO, maaari lang gamitin ang Ivermectin sa COVID patients na isinalang sa clinical trial.

“We recommend not  to use ivermectin in patients with COVID-19 except in the context of a clinical trial.”

“This recommendation applies to patients with any disease seve-rity and any duration of symptoms.”

Kumalat ang mga post at artikulo sa Facebook na nag-eendorso ng Ivermectin sa Brazil, France, South Africa at South Korea.

“We currently lack persuasive evidence of a mechanism of action for ivermectin in COVID-19, and any observed clinical benefit would be unexplained,” ayon sa WHO.

Ang Ivermectin ay matagal nang ginagamit sa parasites tulad ng kuto, at river blindness sa  sub-Saharan Africa.

Ang rekomendasyon ng WHO ay dulot ng tumataas na international attention sa Ivermectin bilang potensyal na gamot laban sa COVID-19.

Gayunman, binigyang diin ng mga eksperto ng WHO na ang guidelines ay hindi matibay at maaaring ma-update sa paglipas ng panahon kung may karagdagang ebidensya na malalaman.

Ang mababang gastos at malawak na kakayahang magamit ay hindi dapat ikonsidera sa paggamit ng Ivermectin dahil hindi pa rin tiyak ang benepisyo lalo na sa masamang epekto ng gamot na maaring makuha rito.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with