Rep. Vargas giit na ‘di pwede ma-lockout sa ayuda ang mga nasa lockdown

MANILA, Philippines — Nais ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na siguraduhing hindi mala-lockout sa ayuda ang mga komunidad na kasalukuyang nasa localized lockdown.

Iginiit ni Vargas, chairman ng House Committee on Social Service na bigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pamilya sa komunidad na naka-lockdown.

“Nanawagan po tayo sa DSWD na agarang magbigay ng ayuda sa mga apektadong komunidad. Huwag po sana silang ma-lockout sa tulong ng pamahalaan,” pahayag ni Vargas, chairman ng House Committee on Social Services.

Giit ni Vargas, paubos na rin ang resources ng mga lokal na pamahalaan kaya’t kinakailangang dagdagan ng DSWD ang pangangailangan ng komunidad.

“Our LGUs’ resources are already stretched thin because of various other concerns, so I hope the DSWD is in constant communication to ensure any cry for help is responded to immediately,” dagdag ni Vargas.

Nauna nang sinabi ng DSWD na handa itong magbigay ng food packs sa mga komunidad na nasa ilalim ng lockdown.

Magsasagawa rin ng hearing ang kanyang komite upang pag-usapan ang pagkakaroon ng isa lang social amelioration program o SAP.

 

Show comments