^

Bansa

Tatak No. 1, PSN ‘yan!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasilayan ko ang hamon at tagumpay ng Pilipino Star NGAYON mula noong ako’y mapasok na isang correspondent pa lamang sa PSN taong 1996.

Habang ako ay regular employee noon sa isang radyo ay nagtrabaho na ako bilang corres­pondent sa PSN noong panahong iyon.

Dito ko nakita ang noo’y nagsisimula pa lamang ang PSN na ang opisina pa namin noon ay isang maliit na kuwarto lamang na may isang malaking lamesa sa gitna at  ang sahig ng kuwarto ay tabla pa lamang.

Kaalinsabay ng pagsulong ng PSN sa hamon ng tagumpay, kasabay din nitong nabago ang aming opisina at naging isang malaking departamento na ito, may kanya-kanyang dibisyon na ang bawat departamento.

Mayroon ng iba’t ibang opisina at nasakop na ang halos ikalawang palapag ng PhilStar building sa Port Area.

Sa pagdaan ng panahon, dahil sa nakita ko ang tagumpay ng dyaryo, iniwan ko ang radyo.

Sa loob ng 21 taon ko na ngayon sa diyar­yo na aking kinaaniban at ipinagmamalaki, isang karangalan na mapasama sa pamilyang ito.

Sa pagdaan ng panahon, patuloy ang ta­gumpay ng PSN na makikita sa mga survey na palaging number 1 nang makailang  beses hanggang ngayong taon batay sa Nielsen survey.

Bagama’t may pandemya ngayon, makikita pa rin ang tagumpay ng PSN  dahil sa mahusay na pamamahala ng aming Big Boss na si Miguel Belmonte, ng editorial department sa pamumuno ng aming Editor-in-Chief Jo Abelgas. Dulot nang   pagtutulungan ng bawat isa, hindi alintana ang  pandemya, luma­laban ang PSN, at nananatiling number 1 sa hanay ng tabloid print media.

Laging number 1 sa mamamayan ang PSN dahil hindi siya nananagasa ng sinuman, walang kinikilingan,  at  tanging makatotoha­nang mga balita lamang ang laman ng PSN, patunay nang pagkakaloob ng tunay na  serbisyo ng pagbibigay kaalaman sa taumbayan sa mga  tunay na kaganapan sa loob at labas ng bansa para sa kapakanan ng sambayanan.

I’m so proud to be one…of the number 1…PSN yata ‘yan!

 

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with