^
3,045 katao bagong hawa ng COVID-19 sa bansa, 'highest sa halos 5 buwan'
Nakasuot ng face masks at shields ang mga gurong ito habang nagte-teleconference sa mga estudyanteng hirap sa kanilang mga aralin sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-3 ng Marso, 2021
AFP/Ted Aljibe

3,045 katao bagong hawa ng COVID-19 sa bansa, 'highest sa halos 5 buwan'

(Philstar.com) - March 5, 2021 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng nasa 3,045 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Biyernes ang Department of Health (DOH), bagay na nag-aakyat ng kabuuang bilang ng nahawaan sa Pilipinas sa 587,704.

Patuloy naman ang pagpanik ng mga "active cases," o mga nagpapagaling pa sa karamdaman sa pagtalon nito sa 40,074 — mas mataas uli kumpara noong Huwebes.

Yumao naman ng buhay ang karagdagang 19 katao dahil sa COVID-19 kung kaya't 12,423 na ang mga domestic deaths sa sakit. Umabot na sa 535,207 ang mga ligtas na sa panganib simula nang mag-recover mula sa nakamamatay na sakit.

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong Biyernes ang pinakamataas na bilang ng new COVID-19 cases sa iisang araw lang sa nakalipas 141 araw. Ika-16 ng Oktubre pa noong huling mas marami ang reported single-day infection sa bilang na 3,139.
  • Pinakamataas din ngayong araw ang active cases (40,074) sa nakalipas na lagpas apat na buwan matapos nitong mahigitan ang record nitong Huwebes na 37,226.
  • Sumipa naman pataas sa 52 ang bilang ng mga bagong nahawa ng mas nakahahawang variant ng COVID-19 na unang nadiskubre sa South Africa. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque kanina, 41 mula rito ang nanggaling mula sa National Capital Region. Bukod pa 'yan sa 31 additional UK variants na na-detect ng UP Philippine Genome Center (PGC), na siyang mas nakahahawa rin kumpara sa karaniwan.
  • Ngayong nasa Pilipinas ang COVID-19 vaccines mula sa British-Swedish firm na AstraZeneca, sinabi ni Vince Dizon, deputy chief implementer of the National Task Force Against COVID-19, na posibleng iturok na ito sa mga ospital ngayong araw. Kaugnay niyan, sinabi ni Duque na maaaring ito ang kanyang ipaturok lalo na't siya'y 60-anyos na at hindi rekomendadhong bigyan ng CoronaVac ng Sinovac.
  • Ilang linggo na lang daw ang aantayin bago makarating sa Pilipinas ang mga COVID-19 vaccines mula sa Pfizer, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez kanina.
  • Umaabot na sa halos 11.9 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, mahigit-kumulang 2.6 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with