^
4 gamot âdi umubra sa COVID-19 patients
Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development, kabilang ang Pilipinas sa Solidarity Trial for Therapeutics kung saan gumamit ng mga dati ng gamot na aprubado pero puwedeng gamitin para sa COVID-19.
AFP/Douglas Magno

4 gamot ‘di umubra sa COVID-19 patients

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi nakatulong sa paggaling ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ang apat na gamot na sinubukan sa Solidarity Trial for Therapeutics na inorganisa ng World Health Organization.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development, kabilang ang Pilipinas sa Solidarity Trial for Therapeutics kung saan gumamit ng mga dati ng gamot na aprubado pero puwedeng gamitin para sa COVID-19.

Kabilang aniya sa mga gamot ang Remdesivir, Lopinavir-Ritonavir na para sa mga may HIV; Interferon para sa Hepatitis at Hydroxycholoroquine para sa Malaria.

Sabi ni Montoya, lumabas sa datos ng WHO mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas na hindi maganda ang naging resulta o hindi nagbigay ng proteksiyon laban sa COVID-19 ang nabanggit na mga gamot.

Kaya ngayon aniya ay tinitingnan ng WHO ang iba pang gamot katulad ng Monoclonal antibodies at ma-ging mga anti-inflammatory agents.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with