^

South African variant ng COVID-19 nasa Pinas na

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakarating na sa Pilipinas ang “mas nakakahawang” South African variant ng COVID-19 makaraang iulat ng Department of Health (DOH) kahapon ang nadiskubreng anim na kaso nito sa bansa.

Base sa pagsusuri ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health, sa anim na kaso ng tinamaan ng South African o B.1.351 variant, tatlo sa kanila ay mga local cases, dalawa ay ‘returning overseas Filipinos (ROFs) at isa ang kasalukuyang bineberipika pa.

Tatlo sa mga kaso ay mga residente ng Pasay City na ang mga samples ay nakolekta mula Enero 27 hanggang Pebrero 13.  Dalawa sa kanila na isang 61-taong gulang na babae at 39-taong gulang na lalaki ay mga aktibong kaso habang ang ikatlo na isang 40-anyos na lalaki ay nakarekober na.

Ang dalawang ROF naman ay nagmula sa United Arab Emirates (UAE) at Qatar. Kasalukuyang bineberipika pa ang kanilang kundisyon.

Samantala, iniulat din ng DOH ang 30 bagong kaso ng United Kingdom variant (B.1.1.7 variant).

Dahil dito, umakyat na sa 87 ang kabuuang kaso ng UK variant sa bansa.

Sa 30 bagong kaso, 20 sa kanila ay mga ROFs, tatlo ang local cases at pito ang bineberepika pa.

Naitala naman sa 34 ang kasalukuyang bilang ng N501Y at E484K mutation ng virus makaraang dalawa ang madagdag sa listahan. Parehong nagmula ang dalawang bagong kaso sa Region 7.

Sa kabila ng pagdating ng mga bakuna, pinaalalahanan ng DOH ang publiko at mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy lang ang pagsunod at pagpapatupad sa ‘minimum health standards’ upang makaiwas sa mas malaking ‘community transmission’ lalo na sa pagkakadiskubre ng mga bagong variants.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with