^

Bansa

House Health committee chairperson nagpaturok ng Sinovac vaccine

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaturok na ng unang dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac si House Committee on Health Chairperson at 4th District Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan sa Veterans Memorial Medical Center sa (VMMC) sa Quezon City, kahapon.

Ang COVID jab ni Tan sa VMMC ay bahagi ng alokasyon ng anak nitong lalaki bilang surgeon sa VMMC sa mga miyembro ng kaniyang pamilya at bilang suporta sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Dahil sa pagbakuna kay Tan, siya ang unang miyembro ng Kamara na “legal” na naturukan ng COVID-19 vaccine.

Ang pagpapaturok ni Tan ng Sinovac COVID-19 vaccine ay matapos ang pagdinig ng komite nito sa COVID vaccine rollout sa unang bahagi ng taong ito. Iginiit ng Kongresista na pabilisin pa ang COVID 19 inoculation drive para sa ligtas at mabisang bakuna ng sa gayon ay mapataas ang kumpiyansa ng publiko para magtiwala sa vaccination program ng gobyerno.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with