^
Bagong hawa ng COVID-19 'highest' sa bansa sa nakaraang lagpas 4 na buwan
nakasuot ng face masks ang mga taong ito habang naglalakad sa Macapagal Blvd. corner EDSA ext sa Pasay City, ika-18 ng Enero, 2021
The STAR/Michael Varcas, File

Bagong hawa ng COVID-19 'highest' sa bansa sa nakaraang lagpas 4 na buwan

(Philstar.com) - February 26, 2021 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health ang nasa 2,651 bagong kaso ng coronavirus disease ngayong Biyernes, dahilan para pataasin nito ang bilang ng nadali ng nakamamatay na sakit sa 571,327.

Nasa 34,498 diyan ang itinuturing na "aktibong kaso," o 'yung mga hindi pa gumagaling o pumapanaw sa nasabing virus.

Umabot naman sa 46 naman ang kamamatay lang sa COVID-19 dahilan kung kaya't 12,247 na lahat-lahat ng mga pumanaw dito. Ligtas naman na sa karamdaman ang nasa 524,582 na dati'y nadali ng pathogen.

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong araw ang pinakamaraming bilang ng new infections (2,651) na iniulat sa isang araw lang sa Pilipinas simula pa noong ika-17 ng Oktubre, 2020 kung kailan nakapagtala ng 2,673 bagong kaso. 132 araw na ang nakalilipas mula noon.
  • Magkasama namang inirekomenda ng National Immunization Technical Advisory Group at DOH- Technical Advisory Group ang pagbabakuna ng CoronaVac vaccine ng Sinovac sa mga healthcare workers. Ito ay kahit una nang sinabi ng Food and Drug Administration na hindi nila ito irerekomenda sa mga manggagawang pangkalusugan na laging exposed sa COVID-19.
  • Umabot naman na sa 25,000 manggagawa ang sinasabing permanenteng nawalan ng trabaho noonbg Enero 2021 kasabay ng COVID-19 pandemic, pagbabalita ng Department of Labor and Employment kanina.
  • Nagprotesta naman ang ilang manggagawa ng Philippine General Hospital kanina sa pangunguna ng All UP Workers Union para igiit ang libre at ligtas na COVID-19 vaccines sa healthcare workers, bagay na dapat mataas daw ang efficacy rate.
  • Umaabot na sa 112.2 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, mahigit 2.5 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with