^
New COVID-19 cases sa bansa lumobo sa 2,269, kaso pumalo sa 568,680
Naglalakad habang nakasuot ng face masks ang mga residenteng ito noong ipinatutupad pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Maynila noong ika-25 ng Marso, 2020
AFP/Ted Aljibe, File

New COVID-19 cases sa bansa lumobo sa 2,269, kaso pumalo sa 568,680

(Philstar.com) - February 25, 2021 - 3:39pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng nasa 2,269 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Huwebes ang Department of Health (DOH), bagay na na ng kabuuang bilang ng nahawaan sa Pilipinas sa 568,680.

Papaakyat naman ang direksyon ng "active cases," o mga nagpapagaling pa sa virus ngayong nasa  32,437 na ito — mas marami kumpara sa datos nitong Miyerkules.

Kumpirmado namang namatay sa COVID-19 ang dagdag na 72 pasyente dahil sa sakit. Sumatutal, 12,201 na ang mga binawian ng buhay kaugnay nito. Ligtas naman na sa karamdaman ang nasa 524,042 dati'y dinapuan ng kinatatakutang karamdaman.

Anong bago ngayong araw?

  • Kanina lang nang inanunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque na darating na sa Linggo ang 600,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa Chinese manufacturer na Sinovac. Ang mga nabanggit ang unang bakuna laban sa virus na malawakang ibibigay sa Pilipinas. Ang balita ay kinumpirma na rin ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
  • Bagama't sinabi ni Roque kanina na posibleng Lunes na magtuturok ng mga bakuna ng CoronaVac vaccines ng Sinovac, sinabi naman ng DOH na pinaplantsa pa ang mga detalye pagdating sa pamamahagi nito sa publiko.
  • Kinukumpirma naman ngayon ng Malacañang kung maaaring maging saklaw si Pangulong Rodrigo Duterte ng "compassionate permit" na iginawad ng Food and Drug Administration (FDA) sa Presidential Security Group (PSG). Ito ay para raw masama si Digong sa maaaring makatanggap ng 10,000 doses ng bakuna mula sa Sinopharm — ang Chinese brand na "prefer" ng presidente.
  • Umaabot na sa halos 111.8 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, mahigit 2.5 milyon na ang patay. 

— James Relativo 

COVID-19 VACCINE DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with