^

Kapit-tuko sa puwesto na BTA officials, binalaan

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

BARMM elections nais ipagpaliban

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang isang kongresista sa umano’y pagkakapit-tuko sa puwesto ng ilang miyembro at opisyal ng Bangsamoro Autonomos Region of Muslim Minda­nao (BARMM) para manatili sa kapangyarihan kaya nais nilang ipagpaliban ang pagdaraos ng halalan sa nasabing rehiyon.

Kasabay nito, inakusahan ni Kusug Tausug Party­list Rep. Shernee Tan-Tambut ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na ang kanilang hakbang na pagpapaliban sa BARMM election ay personal na interes lamang upang mapalawig pa ang kanilang termino at pagtakpan ang kanilang mahinang performance.

Sa interpelasyon ni Tan-Tambut sa ginanap na joint Zoom meeting ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms, Muslim Affairs and Peace Reconciliation and Unity sa Kamara, mistulang ipi­namukha nito kay BTA Chairman Ebrahim Murad ang kanilang kakulangan o mahinang pagganap sa tungkulin.

Limang panukala na ang nakahain sa Kamara na humihiling na ipagpa­liban ang BARMM election at gawin na lamang ito sa 2025 base sa hiling ng BTA na silang naitalaga na magsilbi bilang “interim government” sa Bangsamoro Autonomous Region sa ilalim ng transition period.

Bunsod nito, maghahain si Tan-Tambut ng “pagbabago” sa naturang limang panukalang batas na magiging daan para ang mamamayan ng BARMM ang magpasiya sa pamamagitan ng “referendum” tulad ng ginanap na ple­bisito na nagpatibay sa BOL. Aniya, hindi rin dapat gamitin ng BTA ang pandemya sa COVID-19 bilang kanilang depensa sa mahinang pagganap sa tungkulin.

Ikinatwiran naman ni Murad na ang hirit ng BTA na pagpapaliban sa BARMM election ay batay sa ginawang pag-aanalisa at mga naranasang hamon­ na hindi aniya magta­tagumpay ang wastong implementasyon sa aspetong pulitikal at sa norma­lisasyon na sinalungat naman ni Tan-Tambut.

BARMM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with