Globe mas pinalawig ang 5G network

MANILA, Philippines — Nasa 1,069 lugar na ang may access sa pinakabagong henerasyon ng wireless technology na hatid ng Globe.
Pinalawak pa ng Globe ang 5G footprint nito sa bansa dahil sa agresibong pagtatayo nito ng mga network at cell tower.

Ang 5G coverage ng Globe ay available na sa 848 lugar sa Metro Manila at Rizal; at sa 221 lugar naman sa Visayas at Mindanao. Ang 5G ang pinakabagong wireless technology na mas mabilis, mas malaki ang bandwidth at mas maaasahan ang internet connection. 

“Gusto lang namin sa Globe na maranasan ng mga subscribers namin ang mga posibilidad at potensyal na dala ng 5G technology. Ang maihatid ang serbisyo ng 5G technology sa mas maraming customers ay isa sa mga layunin ng Globe para makapagbigay ng kalidad sa buhay na nararapat sa kanila,” sabi ni Ernest Cu, Globe President & CEO.

Show comments