^
Paghahain ng COC sa 2022 polls itinakda sa Oktubre 1-8
Sa inilabas na Comelec Resolution No. 10695, ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa lahat ng elective positions ay itinakda mula Oktubre 1, 2021 hanggang Oktubre 8, 2021, kabilang na ang mga araw ng Sabado at Linggo.
STAR/File

Paghahain ng COC sa 2022 polls itinakda sa Oktubre 1-8

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — May calendar of activities na ang Commission on Elections (Comelec) para sa idaraos na May 8, 2022 national and local elections sa bansa.

Sa inilabas na Comelec Resolution No. 10695, ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa lahat ng elective positions ay itinakda mula Oktubre 1, 2021 hanggang Oktubre 8, 2021, kabilang na ang mga araw ng Sabado at Linggo.

Magsisimula naman ang election period mula Enero 9, 2022 at magtatapos sa Hunyo 8, 2022.

Paalala ng Comelec sa panahon ng election period ay iiral ang gun ban sa bansa, na nangangahulugang mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala, pag-iingat at pagbibiyahe ng mga armas o iba pang nakamamatay na sandata, maliban na lamang kung ‘authorized in writing’ ito ng Comelec.

Ang campaign period naman para sa mga kandidato sa national positions kabilang ang presidente, bise presidente, senador at party-list groups, ay mula Pebrero 8-Mayo 7 o dalawang araw bago ang election day sa Mayo 9.

Samantala, ang mga kandidato para sa local elective positions, kasama na ang mga miyembro ng House of Re­presentatives at regional, provincial, city at municipal officials, ay maaaring mangampanya simula Marso 25-Mayo 7.

Nilinaw naman ng Comelec na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo, na natapat sa Abril 14 at 15, 2022.

Tulad naman ng mga nakaraang eleksiyon, bibigyan ng isang buwan ang mga overseas voters upang makaboto, at itinakda ito mula Abril 10, 2022 hanggang Mayo 9, 2022.

Mayroon namang tatlong araw ang mga local absentee voters upang makaboto at ito ay itinakda mula Abril 27, 28 at 29, 2022.

COC COMELEC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with