^
Kawalan ng 'child car seat' sa sasakyan wala munang huli â DOTr
Makikitang nag-i-install ng child car seat ang lalaking ito sa isang sasakyan bilang pagsunonod sa Republic Act 11229 or Child Car Seat Law, na nakatakdang maging epektibo ngayong araw, ika-2 ng Pebrero, 2021
The STAR/Russel Palma

Kawalan ng 'child car seat' sa sasakyan wala munang huli — DOTr

James Relativo (Philstar.com) - February 2, 2021 - 12:54pm

MANILA, Philippines — Hindi muna ipatutupad nang lubusan ang "Child Safety in Motor Vehicles Act" ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) kahit na nakatakda itong magkabisa, Martes, dahil na rin sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ito ay kahit epektibo na ang Republic Act 112299 ngayong araw, na nag-oobligang magkaroon ng "car seat" ang mga sasakyang may lulan na bata hanggang 12-anyos.

Basahin: Car seats required for kids up to age 12

Aniya, magdidin muna sila sa information campaign para maintindihan muna ito ng lahat.

"[G]iven our current economic condition, and with the COVID-19 pandemic still our foremost health concern, your [DOTr] is fully engaged and coordinating with ALL STAKEHOLDERS on this issue, and how best to approach its implementation, within the parameters of the said law that is now in place," sambit ng kagawaran.

"We stipulate and we agree that a deferment of the strict implementation and imposition of fines amd penalties for now is the best action to undertake, and to focus on a massive Information and Education Campaign (IEC), for a better understanding and appreciation of the law by everyone concerned."

CHILD SAFETY Today, 02 February 2021, by operation of law, is the effectivity of Republic Act 112299 or what is known...

Posted by Department of Transportation - Philippines on Monday, February 1, 2021

Aabot sana sa P5,000 multa at isang taong suspension ng lisensya ang parusa sa mga lalabag sa naturang batas.

Kahapon nang mabatikos ang planong pagpapatupad nito ngayong araw matapos sabihin ni LTO Metro Manila chief Clarence Guinto na "dapat kumuha ng mas malaking kotse" ang mga pamilyang may mga malalaking anak na mahihirapang sumunod dito.

Hinihingi ng batas na ilagay sa child restraint system ang mga batang wala pang 4.92 metro ang tangkad na dapat mai-secure gamit ang seat belt. Pinagbabawalan din nito ang pag-upo ng mga 12-anyos pababa sa harapan ng sasakyan.

May kaugnayan: Asked about families with bigger children, LTO says: Use bigger cars

Sa kabila niyan, ipinaliwanag ni DOTr spokesperson Goddes Libiran sa isang briefing kanina, kaligtasan ng mga bata ang orihinal na pakay ng batas.

"Kapag tama o proper ang installation mo at paggamit mo ng car seats, it can reduce the risk of death of infants by 70%, and 47-54% for children aged 1-4 years old in an accident," ani Libiran.

A man installs a child car seat as the government is set to observe the full implementation of Republic Act 11229 or...

Posted by Philippine Star on Monday, February 1, 2021

Tiniyak naman ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na hindi agad sila magpe-penalize sa mga lalabag sa mga unang yugto ng implementasyon ng batas. 

Aniya, ang mga multa, parusa at pagpapatupad ng driver's license demerit points ay maaaring ipatupad lang matapos ang susunod na tatlo hanggang anim na buwan.

"Hindi po ang gagawin ng LTO ay mag-penalize agad o magbigay ng kaukulang sanction," wika ni Galvante.

"Huwag kayong mangamba na huhulihin ang lumalabag at pagmumultahin nang malaki. Hindi po 'yon. ang unang-unang gagawin po natin... palawigin po natin ang kaalaman para 'yung kooperasyon ng madla ang maging response sa pag-effect ng batas na ito."

Matatandaang naipasa ang nasabing batas noong ika-22 ng Pebrero, 2019 habang naaprubahan naman ang implementiung rules and regulations nito noong ika-23 ng Disyembre noong taong ding iyon.

CHILDREN DEPARTMENT OF TRANSPORTATION LAND TRANSPORTATION OFFICE ROAD SAFETY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with