^

Bansa

Drive-thru saliva test sa malls

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Drive-thru saliva test sa malls
Ayon kay PRC-Mole­cular Laboratories head, Dr. Paulyn Ubial, may ilang malalaking malls na ang nakipag-ugnayan sa PRC upang maging available na sa kanilang mga establisimyento ang saliva testing sa pagtukoy ng COVID-19 cases.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsasagawa ng drive thru COVID-19 saliva RT-PCR tests sa mga pangunahing shopping malls.

Ayon kay PRC-Mole­cular Laboratories head, Dr. Paulyn Ubial, may ilang malalaking malls na ang nakipag-ugnayan sa PRC upang maging available na sa kanilang mga establisimyento ang saliva testing sa pagtukoy ng COVID-19 cases.

Maaaring isagawa ang saliva tests sa mga parking lots ng mga shopping malls, na magiging parang drive-thru.

“Ang parang gagawin sa labas ng malls po, sa labas ng parking lot nila, parang drive-thru. Nasa loob lang kayo ng kotse, bigyan kayo ng sample kit, doon po kayo dudura, then iaabot niyo sa sample collector. Hindi na po kailangan lumabas ng kotse,” paliwanag ni Ubial.

Sinabi ni Ubial na kung makapaglalagay ng saliva testing centers sa mga malls ay mas maraming tao ang makakapag-avail ng COVID-19 tests.

Bukod sa mas mura na P2,000 lang ay mas ligtas din ang saliva tests sa mga nangongolekta ng samples.

Aniya, hindi na rin kailangang ilagay pa sa storage facility ang saliva samples dahil pagkakuha nito ay maaari itong isilid na lamang sa isang styro box o cold box.

Ang saliva test ay available pa lang sa mga tanggapan ng PRC sa Mandaluyong City at Port Area, Manila.

Pinaalalahanan naman ni Ubial ang mga magpapa-saliva test na bago sumalang sa pagkuha ng sample ay huwag munang kumain, uminom, mag-toothbrush o magmumog at huwag munang manigarilyo o mag-vape sa loob ng 30-minuto.

vuukle comment

COVID-19 TESTING

PHILIPPINE RED CROSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with