^
Metro Manila GCQ pa rin hanggang Pebrero kasama 13 pang lugar
Kuha ng mga pulis at barangay officials habang nagpapatupad ng "calibrated lockdown" sa Silverio Compound ng Barangay San Isidro, Parañaque, ika-20 ng Agosto, 2020
The STAR/Ernie Peñaredondo, File

Metro Manila GCQ pa rin hanggang Pebrero kasama 13 pang lugar

(Philstar.com) - January 29, 2021 - 1:45pm

MANILA, Philippines — Isang pang buwan ng general community quarantine (GCQ) ang bubunuin ng National Capital Region (NCR) kasama ng ilan pang mga probinsya't lungsod sa bansa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, pahayag ng Palasyo ngayong Biyernes.

Ang nasa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) areas naman gaya ng probinsya ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province, kasama ang Lungsod ng Baguio, hihigpitan nang bahagya patungong GCQ.

Maliban sa Metro Manila at mga nabanggit na lugar sa itaas, mananatili din sa GCQ ang Batangas, Tacloban City, Lungsod ng Davao, Davao del Norte, Lanao del Sur at Lungsod ng Iligan hanggang sa katapusan ng Pebrero.

Epektibo ang mga bagong quarantine classifications mula ika-1 hanggang ika-28 ng Pebrero. Mananatili sa pinakamaluwag na MGCQ ang nalalabing mga bahagi ng bansa na hindi nabanggit.

Basahin: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference

Nangyari ang mga naturang paghihigpit sa mga nasabing probinsya sa Cordillera Administrative Region (CAR) kasunod na rin ng biglaang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar — kasama na ang maraming bilang ng United Kingdom variant ng pathogen. Lubha itong mas nakahahawa kaysa sa karaniwang COVID-19.

Isa na ang Pilipinas sa nagpapatupad ng may pinakamahabang quarantine restrictions sa paglabas-labas ng bahay sa buong mundo simula nang pumutok ang pandemya noong 2021.

Matatandaang labis na napinsala ng COVID-19 at mga lockdowns na kaakibat nito ang ekonomiya ng bansa. Kasama na riyan ang pinakamatinding paglagapak ng gross domestic product (GDP) simula pa noong 1984 at record-high na unemployment rate na 17.7%. — James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE METRO MANILA MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE NATIONAL CAPITAL REGION NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with